wla lang!

Last Tuesday, mar 27, was a great day. Great, ‘coz I saw some of my
former students being recognized for their exemplary performance
this school year. It feels great that one way or another, I was once
their teacher.
Yesterday, Wednesday, was fulfilling. Fulfilling kasi nakita ko sa mga
estudyante ko na masaya sila, while they go up the stage and receive their
ceremonial diploma.
These two days were great, and I am happy that I’am a teacher. Medyo
naluluha nga ako sa tuwa sa mga accomplishemnt ng mga bata.

This morning was a different story, It was sad, terribly
frustrating, I can’t even describe what I’m feeling.

I woke up early, eager to go to school and see the faces of my
students,and former students who inspires me everyday to strive and
do my best in my chosen field of service.I walk to school with full
of enthusiasm, as I always do almost every morning, this past 3
years ng pagtuturo ko sa TMCNHS.
Pagdating ko sa math faculty room, ako ang pinaka-maaga ngayon, I
noticed that there’s a piece of paper, na iniwan nakaipit sa base ng
isang nalalantang halaman… marami pang nakakalat sa paligid, I
read the paper, may nakasulat na
AKO AY KALAT PERO..
binasa ko ang sulat,binuo ng isang anonimous witer,computer printed,
mahaba, mahusay ang pagkakasulat, at may nilalaman,ipinakikita ang
maling sistema ng paaralan, binigyan ng monicker mula principal,
mga heads at ilang mga teacher kasama, ako dun,

pagdating ko sa 10th or 11th paragraph, ito ang nakasulat:

” Dito naman tayo sa Math Room. Balita fo sir Ferret said, “You must
make an e-mail or friendster account dahil doon ko na lagi ilalagay
ang mga assignments nyo.” Ahh… great idea, but where on earth ako
kukuha ng pang-internet kung mismo baon ko di kasya pambili ng
tanghalian? Kawawa naman ako, ala ako assignment, 65 …. tsk,
tsk… Ano tong naririnig ko na pinasasagutan lamang ang pathways
pag finals na? anong use ng eighty pesos na binayad ko kung hindi
man lang maggamit throughout the year ang workbooks ko?… hay naku
ha, sumosobra ka na ha…?”

nagbsa p ako at marami pang pasaring sa mga guro.
(cguro by this time nabasa nyo na rin un)

obviously ako ung sir ferret,
i’m hurt, terribly hurt, feeling ko napaka-walang kwenta kong
teacher, na sarili ko lang ang iniisip ko,
di ko alam ang gagawin ko,wala akong makausap,wala pa ang mga co-
teachers ko, di ko alam ang gagawin!
lumabas ako ng school, nag lakad, ayoko umuwi, akaa maiyak lng ako sa
harap ng asawa ko( mababaw kasi ang luha ko), nag-lakad pa ako,
dumiretso ako ng simbahan.
Umupo lang ako dun, wala lang, inisip ko kung mali nga ba ako? naging
pabigat nga ba ako sa mga estudyante ko?
hindi ko man lang ba na-inspire ang mga esudyante ko? nakakatamad ba
pag ako yung nasa harap ng klase?
Siguro nga… siguro nga.
I’m a relatively young teacher, this is only my third school year.
at alam ko marami pa akong dapat matutunan, at kailangan dapat
matutunan, pero ang alam ko, I’m doing my best, my very best para
makapagturo ako ng maayos,
graduate din ako ng TMCNHS, at ayoko’ng masira ang tradition nito na
makapagdevelop at makapagbigay ng mabuting mamamayan sa bansa,again,
I’m doing my best, my very best para makapagturo ng maayos.
may pagkakamali ako, sino nga ba ang perpekto?

pero masama ba na mg-explore? na gamitin ang internet sa pagtuturo?
di naman natuloy yung pag-bibigay ko ng assignment through e-mail.
at wala akong binigyan ng 65 dahil wlang e-mail ad.

i’m using this site,(originaly posted ‘to sa yahoo groups ng  Science Class) hindi lang as a teacher, kundi as your kuya, and
a friend.kahit ano pwede i-post.

may korapsyon sa school, alam nating lahat yan, pero di lahat ng mga
teacher ay corrupt,
ung pathways, tlagang di ko na ginamit nung later part ng school
year,maraming di nakabili, kawawa naman, project ko na yun for the
school year.di ko na nga gagamitin yun next year, marami ng mali, di
pa masyado kaganda mga activities,

as a matter of fact, i still have P3,000+ na balance dun, kasi di na
nakapagbayad yung ibang mga bata,yung iba tumakas na – bayad na daw
kahit hindi pa, unti-unti ko na lng babayaran mula sa sariling bulsa,

(gagamitin ko ang mga words ng writer)
where on earth ako kukuha ng pam-bayad dun kung mismo sweldo ko di
kasya pang-gastos sa bahay at pambili ng gatas ng mga anak ko.

d2 ako nag post ng sentimyento ko, alam ko mga kaibigan ko kayo, wala
pa ako pinagsasabihan.

hindi ko na rin balak malaman kung sino man ang nagpakalat ng letter
sa school, bata pa siyaa, isinulat nya lamang ang kanyang opinyon,may
punto siya

i’m hurt pero hindi ako galit,thank you rin sa nagsulat nun! marami
ako natutunan!

mahal ko ang pamilya ko, ang asawa ko at mga anak ko,
nagtuturo ako hindi para sa sarili ko, para sa kanila, para sa
kanilang kinabukasan

hindi ko sila kayang pakainin ng galing sa korapsyon.

I love my students, mahal na mahal ko kyo!!!
nagtuturo ako hindi para sa sarili ko, para sa inyo!!!

This entry was posted in wala lang!. Bookmark the permalink.

One Response to wla lang!

  1. loriel says:

    nays..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s