(“,)

January 20, 2010

Mabilis talaga ang panahon… kailan lang ay nagsisimula akong magturo at hindi ko halos namalayan ay eto, five years na ako, officially, sa TMCNHS!

Malapit ng matapos  ang June 2004 ng ako’y matawagan, meron daw item na bago para sa Mathematics teacher, nagtuturo pa ako noon sa Rogationist College sa Silang. Nung una, medyo nagdadalawang isip pa ako. Mahirap iwan ang eskwelahang unti-unti ng napapamahal. Sa maikling panahon ng pagtigil ko dun, naging maayos at walang problema ang aking pagtuturo…

Pero, mapahihindian ko ba ang paaralang may malaking bahagi sa aking buhay!

Kasabay ng paglipat ay isang balita.Hindi inaasahan, subalit balita’y hatid ang lubos na galak at tagumpay! ( Sa ibang kwento na ‘yan… coming soon next month, February 2010)

Masaya, very fulfilling ang pagsisimula. Masarap magturo,  masarap makasama at maging co-teacher ang mga naging teacher ko noon…

Pero may problema pa din pala…

September 2004 na eh hindi pa din dumating ang aming appointment, may problemang mahirap intindihin… mahigit 2 buwan na pero wala pa ding kasiguraduhan…

hanggang sa nag-pasya muna akong mag-leave, kung binata sana ako… Ok lang maghintay, pero may binubuong pamilyang nakasalalay..

akala ko’y talagang indi adya na maging guro ako sa TMCNHS…

hanggang dumating ang January 20, 2005… muli akong tinawagan, at pinagrereport.. eto na teacher na talaga ako!

Hindi ko pinangarap na maging guro ako. Kahit ako’y mula sa pamilya ng mga teacher,  wla  sa hinagap ko na ako’y magiging isang guro.

Pinangarap kong maging engineer, doctor o kya’y lawyer. Ginusto ko din na maging isang professional basketball player, o di kaya ay isang sundalo, pumasok din sa isip ko ang pagpapari. Marami akong pangarap sa buhay, pero wala dun ang pangarap na balang araw ako’y maging tagapagturo.Pero dahil sa hindi maipaliwanag na mga ironies ng buhay, ‘eto ako ngayon – isang Mathematics teacher…

at masaya na ako sa pagiging guro!

ni hindi ko nga namalayan na nakakalimang taon na ako…

sa limang taon, madami-dami na din ang aking naturuan, at natutunan…

sana madagdagan pa ang mga ito…

This entry was posted in january 20 2010. Bookmark the permalink.

6 Responses to (“,)

  1. Cyrielle A. Mores says:

    sir,,si maam celedon n ata pnakamatandang tcher dyan,,
    d n bman ngbgo ng apelyido,,hahaha

  2. joanna jane says:

    haha. loko ka kang. ^^
    pero di ko kilala yung ibang teachers. hehe

  3. Flor L. ELy says:

    sir…🙂
    agree ako. talagang di maipaliliwanag ang mga ironies ng buhay.

    ano nga kaya sir kung engineer ka no? o pari kaya? :))

  4. loriel says:

    ayts nman..saludo talagah ako xeniu sa mga blogs mu..haha..

    maging pari???grabeh…haha..???

  5. djoane kaye says:

    haha. c mama pla yung pinakamagandang teacher para sa mga estudyante. (naun q lang nalaman yun ha.haha) :DD joke

  6. djoane kaye says:

    haha. sir.
    naging teacher mu pla c mama.😀
    ang tanda na ni mama

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s