“cover”

“cover” ko ‘to ng isang “JOSE JOYA” original

isa sa mga gawa ko nung panahon na naguguluhan na ako kung

tama ba ang kinuha kong kurso

sa kolehiyo (E.C.E.)….

makalipas ang ilang taong pagtunganga…

nagpalit ako ng kurso…

pakalipas pa ng ilang taon…

guro na ako!

Advertisements
Posted in cover | 2 Comments

self portrait

ginawa ko matapos kong basahin for the nth time ang “LUST FOR LIFE”, isang libro tungkol sa buhay ni Vincent Van Gogh

Posted in self portrait | Leave a comment

batang kalye

inspired ng mga batang kalye na malimit kong makasabay noon sa dyip habang papasok sa PUP… minsan,may tumabi sa king bata, kahit gutom ako naibigay ko sa kanya ang kinakain kong burger… (amazing aloha ng jollibee)

kung nasaan ka man ngayon BATANG KALYE, dalangin ko’y iyong kaligayahan….

Posted in batang kalye | Leave a comment

shiela

regalo ko kay kumander, indi pa kami mag-asawa nun…

basta binigay ko na lang sa kanya habang nasa jeep kmi

cyempre nagustuhan nya!

Posted in shiela | Tagged , , | Leave a comment

itang

Matagal ko nang gustong isulat ang isang ito,matagal na ding umiikot sa isip ko ang outline. Isa ito sa mga una kong nais isulat mula noong ma-inspire ako ng mga Youngblood essay contributions sa opinion section ng Phil.Daily Inquirer. Sa katagalan,naunahan na ako ni Bamboo na naglabas ng isang kanta na may temang katulad nito.

Pero sinusumpong na naman ako ng kati ng mga daliri na gustong makatipa sa keyboard ng computer….. kaya naman,sa lahat ng makakabasa, pagtiyagaan ninyo ang isang ito….

”Ang Agimat ni Itang”

Labing-anim na taong gulang pa lamang ako noon… isang umaga, Linggo, panahon ng tag-lamig,kaya naman malapit ng mag-alas sais eh medyo madilim-dilim pa din. Dati-rati, kung ganoong walang pasok at maganda ang panahon,siguradong maaga na akong nakasibat papuntang basketball court, pero ’nung mga oras na iyon, iba ang agendang naglalaro sa isipan ko.

Tahimik akong lumabas ng kwarto, patalungkong naupo sa harap ng bahay… matiyagang nag-abang…

Maya-maya pa, natanaw ko na ang aking hinihintay….. ang aking lolo…si Itang.

Matanda na si Itang, pero sa edad na mahigit walumpu ay may natitira pa ding tikas mula sa kanyang kabataan (sa kanya ko daw namana ang aking ka-pogian he he…). Kung tutuusin maaari na siyang magpahinga at tumigil sa pagsasaka. Pero ayaw niya, hinahanap-hanap na ng kanyang katawang sanay sa hirap,ang pagtatrabaho sa bukid. Kayang kaya pa niyang magsaka’t magpastol ng kawan ng mga baka.

Isang tahimik na tao si Itang, ni bibihira ko siyang makitang magalit. Marami siyang mabubuting katangian. Pero merong mga katangian ang aking lolo na talaga namang mahiwaga para sa akin…

Sa mga umpukan, hindi miminsan kong narinig ang ilang bagay tungkol sa kanya.

’Pag daw may nasuntok ng kaliwa si kakang Daroy, iyun ang tawag sa kaniya ng ibang tao, tiyak pinakamababa na ang madala sa ospital,eh paano pa kaya kung makahagip ang kanan niya. Malakas si Itang, nakakapagtaka daw na kahit matanda na siya eh hindi siya naaanod kung tumatawid siya sa binabahang ilog. Hindi din daw siya nabubuwal kahit mahila ng naka-taling baka.

Makapangyarihan daw ang kanyang salita at siguradong pakikinggan ito ng mga tao.

May bulong-bulungan din na lapitin daw siya ng mga babae, at sa isang tingin, malamang na mabighani na sa kanya ang mga kadalagahan (hearthrob hehe).

Ayon sa mga matatanda… may agimat daw si Itang

At iyon ang dahilan kung bakit ko s’ya inaabangan….

Naala ko nung mas bata pa ako, ’pag sumasama ako sa kanya sa bukid, lagi niyang sinasabi… ”pag dating ng takdang panahon, mayroon akong ibibigay sa ’yo”…..

At sa aking kabataang isip… siguro’y ito na ang panahon!

Sinalubong ko si Itang sa kanyang paglapit…muli, kaunti ang salitang lumabas sa kanyang mga bibig. Pero sa pagtatama ng aming tingin,siguro’y naramdaman na niya kung bakit ako sasama sa kanya papunta sa kanyang kubo sa bukid. Habang naglalakad,muli kaming nagkakwentuhan…pag-uusap na matagal na naming hindi nagagawa.Ilang buwan na lamang daw at mag-kokolehiyo na ako,at kung siya ang masusunod, gusto niyang ako’y maging isang abugado o kaya nama’y engineer. Pinaalalahan niya din ako na sa tuwina’y maging mabuti sa kapwa.

Pagdating sa kubo, mayroon siyang ipinakita sa akin, mga maliliit na bagay… nakabalot sa isang munting panyo. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita, ayon ka’y Itang, ang mga munting bagay ay mga agimat, mula pa daw ang mga iyon sa kanyang mga ninuno, at ilan daw doon ang ibibigay niya sa akin.

Subalit para magka-bisa ang mga agimat, kailangan kong sundin ang ilang kundisyon….

Kailangang maging mapagkumbaba… maging masipag at matiyaga… maging mabait at mapagmahal sa kapwa at higit sa lahat, kailangang laging ipagdasal ang mga munting agimat. Ibayong pananalig sa Maykpal ang kailangan.

Bigla, nagising ako sa katotohanan, hindi sa mga agimat na iyon nagmumula ang mga kakaibang katangian ng aking minamahal na Itang…

Malakas ang kanyang katawan dahil nasanay na ito sa kanyang kasipagan…

Pinakikinggan s’ya at hinahangaan dahil sa kanyang kabutihang asal…

At higit sa lahat…

malalim ang kanyang paniniwala sa Diyos na Maykapal.

Medyo matagal-tagal na ding panahon mula ng muling bumalik sa piling ng Maylalang ang aking lolo. Hindi din natupad ang pangarap niya na ako’y maging abugado o engineer… at ni hindi din niya naabutan ang panahon na ako’y naging guro. Matagal ng wala si Itang, pero sa ganun pa man… ang mga aral na aking natutuna’y laging buhay at hinding-hindi ko malilimutan.

Posted in ang agimat ni itang | 1 Comment

egrets

Ahh… pressured na naman… struggling to make both ends meet… struggling to meet the deadline… energy level approaching zero…

Nakatapos na ako ng unang klase pero inaantok pa din ako. Puyat na naman kagabi, kailangan kasi na hintayin muna makatulog ang mga bata bago makapag-simula ng trabaho sa computer. Dagdag pa dun ang pag-iisip kung paano pahahabain ang natitira sa pilit pinagkakasyang budget…

Nakasanayan ko na, after the class with I-Narra, na lumakad sa field, sa gitna ng basketball court, paakyat ng hagdan in such a straight way (na parang hypotenuse hehe…) papunta sa aming faculty room. Pero ngayon, I decided to take the long way, paikot sa harap ng na-demolished na hanay ng mga classrooms…

It’s been more than a month now, mula ng gibain ang mga lumang rooms, pero ngayon ko lang napansin na parang nagkaroon ng bagong character ang TMCNHS.The school compound seems to be bigger than before, para ding luminis tingnan.

The lush forest and vegetation at the back of the school spreading west, na dating natatakpan ng mga room, is now exposed, giving us a more refreshing sight.

As I walk, ’yung lakad na parang tutrista na patinging tingin sa paligid, something caught my attention, meron akong nakita na mga puting bagay sa itaas ng mga puno, mga bagay na dati namang wala doon. At first, I thought they were flowers, pero habang papalapit ako, nagliparan ‘yung ibang mga nasa puno.

There are egrets (tagak) resting in the trees. Hindi lang isa o dalawa, madami, there maybe tens of birds roosting around.

Hindi ako pamilyar sa ibong ito, bihira lang akong makakita nito ng malapitan. Sapagkakaalam ko hindi naman malimit na maraming tagak sa Trece Martires, lalo pa sa loob ng TMCNHS. Afar, an egret looks small, but when it fly through the trees, it looks really great. It’s whiteness even reflects sunlight.

Dati ko nang napapansin ang mga ibong ito, lumilipad ng maramihan in magnificent V-formation every morning going south, and going north in the late afternoon, pero hindi ko alam na marami pala sa kanila eh dito lang sa likod ng school nagpapahinga. Hindi ko din alam ang dahilan kung bakit bigla na lang nagkaroon ng maraming eagret dito…

siguro’y gusto nila ang lugar…. maraming puno at may isang maliit na ilog….

siguro’y dahil medyo tahimik…walang bumubulabog….

siguro’y marami silang makakain dito… may lugar para sa mga inakay…

siguro’y wala na silang mapagpipilian….

Our city is fast transforming….. Almost developing into a real city. Pockets of forests and farms are replaced by houses and establishments to cater the needs of the booming human population. Open spaces and vegetations are getting smaller everyday. At ang gubat sa likod ng TMCNHS ay bahagi na lamang ng mga halamanan na puwedeng tigilan ng mga ibong ito.

Nagbasa-basa ako tungkol sa mga egret. Mula pala sila sa lahi ng mga heron. Dumaan din ang panahon na halos maubos sila dahil in-demand ang kanilang mga balahibo, na kalimitang ginagawang palamuti. Dumanas na din sila ng katakot-takot na displacement, dahil sa pagdidevelop ng mga tao sa kanilang mga natural na tirahan.

Ni wala pa ngang kasiguruhan kung maari silang magtagal sa lugar natin….

Kung tutuusin baka nga mas marami pa silang problema kaysa sa akin… kaysa sa atin.

Ahh… sana huwag munang umalis ang mga ibong ito, para kung dumating yung oras na ako’y muling mapagod, mahirapan sa takbo ng buhay.

Ako’y muling liligoy…

malapit sa kanilang bagong tirahan…

kukuha ng munting inspirasyon…

Posted in egrets | Leave a comment

senti uli…

`Lapit na naman ang pasukan. Hindi ko pa masyado na-eenjoy ang
bakasyon, eto at halos may pasok na uli. Pero ok lang, masarap naman
pag may pasok na, kasama ang mga estudyante. Before I embark into the
new school year, medyo flashback muna tayo sa mga magagandang nangyari
nung last school year, my 4th school year sa TMCNHS…

Medyo, maganda ang pasok sa akin ng last school year, after the
“basura” open letter incident, parang mas lalo akong ginanahan sa
pagtuturo at ipakita sa mga estudyante na mahal ko sila at ako’y
nagsisikap para sa kanilang kapakanan.Maraming nangyari Ngayong
school year na `to, masasaya may malungkot , natupad yung ibang mga
panagarap ko nung estudyante pa lang ako. Actually, mga students ang
nakagawa…. ang tumupad …

When I was in high school, gusto ko na makatuntong sa Provincial Meet,
tatlong laro ang nasalihan ko noon, (track events, baseball at
volleyball), pero talagang hanggang second place lang ang naabot
namin. Last SY, ako ang nag-coach ng TMCNHS boy’s baseball team, wala
na yatang mapiga, kaya ako ang napiling humawak nun.
It was a good experience, after many years of not playing baseball,
eto uli ako may hawak na baseball bat at mabahong gloves. Mabaho, kasi
mag-aamoy paa ang kamay ko, he he…
Training na for WCSU meet, masaya, akala nung mga players sobrang
galing ko, ang hindi nila alam nung student pa lang, average lang ako
sa paglalaro, pero buti na lang tinulungan ako ng isang former player
ng TMCNHS. Ok ang naging preparations namin, and I’m pretty confident
na magiging maganda ang outcome nito. But, when the actual WCSU meet
begins, medyo hindi nakisama ang panahon… bagyo…. baha at naging
putikan ang playing field. Sa madaling salita, cancelled ang baseball
event. It was very disappointing, kaya lang wala naman na kaming
magagawa. Nakaka-awa ang mga bata, they were very eager to play and
show their stuff.
Pero meron pa din namang magandang nangyari, nung mag-miting ang mga
coaches, ako yung napili nilang humawak ng WCSU team para sa Prov’l
Meet. Hindi ko alam kung bakit ako ang napili nila, siguro natakot o
na-intimidate lang sila sa itsura ko, he he… At eto na nga, sa wakas
makakapunta na din ako sa Prov’l Meet. Masaya uli na medyo mahirap,
medyo kailangan ko uling isakripisyo ang iba kong klase para sa
training. Yung iba pang players na kulang ang allowance, sa bahay ko
pa pinakakaain ng hapunan. Every night during the training,
pinagkakasya na lamang namin kung ano yung kayang kong iluto, masarap
man o hindi. Maganda naman ang kinalabasan, second place kami, munting
pa kaming manalo, one point lang, yung team na namin ang pupuntang
STCAA…

Isa pang magandang nagyari eh nung mag-coach ako sa comic strips
competition sa mathematics, hilig kong mag-drawing kaya, masaya ako sa
competition na `to. Ako ang pumili ng mga makakasama ko, sina Jane,
Cindy, Cyrielle, Lariz at Karl ( na naging contestant sa MATH-talino,
kaya yung mga girls ang natira). Kasabay din halos ito nung WCSU kaya
naman talagang pagod ako nung mga panahong iyon. Pero sa mga batang
ito eh madami akong natutunan, maraming mga masasayang kwentuhan
habang gumagawa kami nung project namin.

Pero sa lahat ng `yon meron isang araw na talagang halos pinaiyak ako
ng mga batang ito. Birthday ko, sinorpresa nila ako, dahil sa halip na
comics ang natapos nila nung araw nay un, binigyan nila ako ng Card.
Simpleng card, sila ang gumawa, si Cindy ang ng-drawing ( sya yata ang
mastermind), tapos sina Kang, Jane, Karl, Lariz silang lahat yung
nag-isip ng mga ilalagay dun. Talagang halos mapa-iyak ako nun( iyakin
talaga ako eh), hindi ko lang pinahalata. Bukod kasi sa mga
natatanggap ko sa asawa ko, sila pa lang ang ibang tao na
nakapag-bigay sa kin ng birthday card. Sweet talaga ang mga batang
ito. Sabagay, ung section kasi nila ang, bigla akong kinantahan ng
HappY B-day sa loob ng klase( matagal na din un, 2nd year sila, pero
di ko rin un malilimutan).

Hindi din kami nanalo, pero masaya pa rin, hindi ko sila malilimutan….

Marami pang mga bagay ang nangyari, nung JS, nung party, nung may
napa-ano sa klase ko, nung sumayaw kami sa kapitolyo,at nung… marami
pa, kung isusulat ko pa lahat, baka makabuo na ako ng nobela.

Sa apat na school year ko sa TMCNHS, etong batch na ito ang masasabi
ko na naging pinakamalapit sa puso ko. Merong bata na naging
estudyante ko mula first year hanggang third year. Yung iba naman,
2nd year tapos, MTAP hanggang 4h year. Lalo na ung mga Science Class
sa batch na `to. Masasabi ko na sila yung talagang yung nagging
pinakamalapit sa akin. Sa mga encouragement texts nila ( flor, marco,
lariz) nung tungkol sa “basura”. Sa mga ngiti, sa lahat. Kaya pinilit
ko talaga na ma-review ko man lamang sila para sa mga College Entance
Tests (nagsawa kaya sila sa akin, ako hindi eh). Kaya nung ako ang
napiling EMCEE sa graduation, kasama ang ate ko, si Ma’am Sierra,
talagang sobrang kaba agad yung naramdaman ko.

Eto, graduation na…..

Maaga akong nagising, mas excited pa yata ako sa mga g-graduate eh. At
sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakapag-suot ng American coat. Para
sa kin, kelangan special ang suot para sa special na okasyon…
Masaya habang tinatawag ang pangalan ng mga bata, kahit papano, kahit
naman siguro maliit na bagay, may nagawa ako para sa kanila.

At nung tapos na ang graduation, habang nagkakasayahan at nag-iiyakan
ang mga bata, bumaba ako, saglit lang, umakyat na lang uli ako, at
mula sa taas, sa medyo malayo, dun na lang ako tumingin, Gusto kong
makihalubilo, pero mas pinili kong doon na lang tumingin. Basta sa
puso ko masaya ako, kahit merong konting lungkot, Masaya ako….

Pagdating sa hapon hanggang gabi …. Unti unting nagdatingan ang text
ng pasasalamat, muntik na naman ankong maiyak he he… una si Jane… si
irish, tapos sunod sunod na. andaming texts, nakakagaan ng loob.

Pero sa loob ko, mas may dapat akong ipagpasalamat sa kanila, dahil sa
kanila, mas naramdaman ko na masarap maging isang teacher…

Kayo, ayaw nyo bang mag-teacher???

Posted in senti uli... | 8 Comments